| | Salamin
Useless.
Yun ka.
Nag-uumapaw ang galit at poot sa'yo
ng mga taong "perfect" at "almost perfect"
Dysfunctional.
Sabi nila yun ka.
Wala kang saysay sa mundong ibabaw.
Mabuti pang iwanan ka na lang.
Di ka ba nakakahalata?
Iniiwan ka na nga, pinagpipilitan mo pa rin ang sarili mo.
Isa kang hangal!
Pride.
Meron ka ba niyan?
Ibinaon mo na yata sa lupa.
Engot! Tanga!
Di ka pa ba pagod masaktan?
They're taking advantage of you!
Pinagtutulungan ka na nila.
Kelan ka ba magigising mula sa bangungot na 'to?
Akala mo sila ang pinakamabait.
Akala mo hindi nila magagawa yun.
Ang hindi mo alam, sila'y nakamaskara lamang.
Nagtatago sa likod ng mga telang kulay white.
Magsama sila!
Ang mga taong noo'y hinahangaan mo
ang siyang sumisira sa'yo.
Ikaw ba'y sinumpa nga talaga?
Ayan.
Nawalan ka tuloy ng tiwala sa kanila.
Ayos lang.
Sila naman ang gumawa ng paraan para mangyari yun.
Wag niyo akong pansinin.
Sabi nga nila, "You cannot please everybody."
Pero heto lang ang masasabi ko.
Sa'yo ang huling halakhak.
|
| | Posted 10/6/2005 7:47 PM - 61 Views - 0 eProps - 0 comments
- recommend
    - recs0
- share
- email
 - sent0
Give eProps or Post a Comment |